^

PSN Palaro

RP magiging sentro ng trackfest sa 2003

-
Magiging sentro na naman ang Philippines ng track and field sa susunod na taon sa ilang sserye ng major international events tampok ang pagbabalik ng Asian Championships sa Manila sa September 18-21.

Ito ang ipinahayag ni Go Teng Kok ng Philippine Amateur Track and Field Association pagkarating nito galing ng Sri Lanka kahapon.

"All point to the Philippines becoming the hub of Asian track and field in 2003. Thanks to the Philippine Sports Commission for supporting the PATAFA, the 4As was easily convinced that our country is the best choice to further the advancement of the sport in Asia," ani Go.

Ang 4As ay ginaganap tuwing ikalawang taon ngunit ito ay ii-stage sa susunod na taon matapos ang desisyong isagawa ito sa odd years.

Huling ginanap ang 4As sa bansa noong 1993 sa Pampanga at ang 2003 edition ang magsisilbing highlight ng annual Milo National Open-Gov. Sering Cup at ng Manila leg ng Asian Grand Prix.

Personal na inimbitahan ni Minister of Youth Affairs and Sports sa Sri Lanka na si Johnston Fernando si Chairman Buhain ng PSC na sumuporta sa paghohost ng 4As sa Setyembre ng susunod na taon.

"The PSC will serve as one of the role players in this endeavor. Chairman Buhain’s support is one of the keys in the success of the 4As as well as the rest of the PATAFA program," ani Go na pormal na magprepresinta sa PSC ng 2003 edition ng 4As sa susunod na linggo kasama ang imbitasyon ni Minister Fernando.

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ASIAN GRAND PRIX

CHAIRMAN BUHAIN

GO TENG KOK

JOHNSTON FERNANDO

MILO NATIONAL OPEN-GOV

MINISTER FERNANDO

MINISTER OF YOUTH AFFAIRS AND SPORTS

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with