Pangasinan sadsad sa Olongapo

SAN FERNANDO CITY -- Sumandig ang Olongapo sa husay ni Topex Robinson upang pabagsakin ang Osa-ka Pangasinan, 88-79 at kunin ang pansamantalang pangunguna sa Northern division ng MBA National Conference sa Bren Z. Guiao Convention Center kahapon dito.

Nagsalpak si Robinson ng limang sunod na free throws upang pigilan ang pag-atake ng Pangasinan na nakalapit sa 77-72 matapos na malubog ng 10-puntos sa 72-62.

Tumapos si Robinson ng 10 puntos, bukod pa ang tatlong rebounds, isang assist at apat na steals upang pamunuan ang Olongapo sa kanilang 2-1 panalo-talo karta.

Show comments