Parang hindi sumakit ng dalawang araw ang tiyan ni Igusquiza nang kanyang igupo ang flatfooted na Hapon, 21-8.
Hangad nitong makabawi sa Sabado kay Somluck Kamsing, ang baya-ning boksingero ng Thailand na naging instant millionaire matapos handugan ng unang Olympic medal ang kanyang bansa mula sa 1996 Atlanta Olympics.
Nangako si Igusquiza na makaganti sa kanyang isang puntos na pagkatalo kay Kamsing sa Cuba, apat na taon na ang nakakaraan nang sila ay nasa featherweight division pa.
Naging magaan ang laban ng 27-gulang na Armyman mula sa Antique kontra sa in-experience na Japanese sa Paroi stadium noong Bi-yernes habang isang come-from-behind na 13-10 panalo naman ang ipinoste ni Kamsing laban kay Maledmodov Dilshop ng Uzbekistan.
Ang panalo kay Kamsing ay maghahatid kay Igusquiza sa quarterfinlas para makasiguro ng bronze medal.
Dalawa pang Team Caltex fighters na sina flyweight Lhyven Salazar at bantamweight Ferdie Gamo ang hangad makapagtala ng ikatlong sunod na panalo para makapasok din sa quarterfinals kahapon, Sabado.
Sa dalawa pang ibang RP bouts noong Huwebes, parehong tinalo ng Thailander sina featherweight Roel Laguna at welterweight Florencio Ferrer.
Bumagsak si Laguna kay Khursed Sutithisak, 7-21 habang natalo naman si Ferrer kay Manus Boonjamong 8-12.
Hangad naman ni light middleweight Christopher Camat matapos maka-bye, na makapasok sa quarterfinals laban sa Kyrgyzstan fighter ngayon.