Ducanes vs Damu-ag sa Barcelona Brandy 9 Ball Billiards

Dalawa sa maituturing na mahusay na cue masters--sina Boy Ducanes at Abu Damu-ag ang maghaharap ngayon para sa karapatang makatunggali naman ang defending champion Lee Van Corteza sa titulo sa 1st Barcelona Brandy P1M 9-Ball Billiards Challenge sa Robinson’s Galleria.

Sina Ducanes at Damu-ag na kapwa taga South Cotabato ay nakapasok sa finals matapos na igupo ang kani-kanilang kalaban noong isang araw sa Omerta Bugsy II Bar and Billiards sa 48 Examiner St., West Triangle, Quezon City.

Ito ang ikalawang sunod na finals appearance ni Ducanes matapos na matalo kay Eduardo ‘Picoy’ Villanueva, 8-9 noong nakaraang linggo kung saan kanyang itinala ang 9-2 panalo kontra tubong Ba-tangas na si Andre Karnani.

Sa kabilang dako, nakakuha naman si Damu-ag ng lucky breaks sa huling tatlong racks upang payukurin ang professional cue artist Jojo Santos, 9-6 upang isaayos ang kanilang final showdown ni Ducanes sa event na ito na sponsored ng Barcelona Brandy, Robinson’s Malls, Dream TV, Rommel Billiards, Colt 45, Adidas, Absolute Mineral Water at Omerta Bugsy II Bar and Billiards na pag-aari ni Perry Mariano.

Ang nasabing finals ay nakatakdang ipalabas sa National Broadcasting Network ngayon simula sa alas-3-hanggang alas-5 ng hapon.

Show comments