Pinoy boxers tuloy ang pananalasa sa Malaysia
June 22, 2002 | 12:00am
SEREMBAN, Malaysia--Ipinagpatuloy ng Team Philippines ang kanilang pagpasok sa win column noong Huwebes nang dominahin ni lightflyweight Lhyven Salazar ang Indian foe bago sinundan ng pagpaparetiro ni bantamweight Ferdie Gamo sa kalabang Sri Lankan sa ikatlong araw ng 21st Asian Amateur Boxing Championship dito.
Pinaulanan ng 26-anyos na si Gamo, isang Navyman na mula sa Bago City ng kaliwang kumbinasyon si Wannia Rachi sa kalagitnaan ng second round nang biglang pumito para sa isang signal na ang Pinoy pug ay nakakuha na ng 15-point margin kontra sa Sri Lankan na nagkunwaring inosente sa pagpu-protesta sa nasabing pagpapatigil ng laban.
Bagamat nabigo ang mga opisyal na makapagbigay ng eksaktong iskor, idineklara si Gamo na nanalo sa pamamagitan ng RSC-CO (referee stopped contest, count outclassed) sa final na bout ng araw na iyon.
Nauna rito, umiskor naman ang 23-anyos na si Salazar, gold medalist sa Acropolis at Bosnia Tournaments ng trouble-free points na panalo kontra sa mas mataas na si Kumar Akhir.
Dalawa sa tatlong RP bouts na nakatakda kahapon ay kontra sa Thai fighters.
Makakaharap ni featherweight Roel Laguna si Khursed Sutithisak, habang makikipagbasagan ng mukha si lightweight Anthony Igusquiza sa Japanese foe na si Hirama Takehiro at makikipagpalitan naman ng suntok si welterweight Florencio Ferrer kay Manus Boonjamong.
Samantala, tatangkain nina Salazar at Gamo ang quartefinals slot ngayon na ang kanilang panalo ang magseseguro sa kanila ng hindi bababa sa bronze medal.
Haharapin ni Gamo si Akhbar Shadi, isang Iranian, habang titipanin ni Salazar si North Korean Kin Un Chol na nanaig laban naman sa Kazakh foe noong Huwebes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am