Isang panalo na lamang ang kailangan ng Blue Eagles upang maisukbit ang kauna-unahang korona sa ligang ito matapos ang 92-86 panalo sa overtime noong Miyerkules ng gabi matapos na hawakan ang 2-0 kalamangan sa kanilang serye.
Nakatakda ang engkuwentro ng dalawang koponan sa alas-4:30 ng hapon matapos ang awarding ceremonies sa alas-4.
Igagawad nina PBL commissioner Chino Trinidad kasama si Chairman Dioceldo Sy ang karangalan para sa mahuhusay na manlalaro ng PBL ang Individual Players Achievement Awards kung saan ipagkakaloob ang MVP, Mythical Team, 2nd Mythical Team at iba pang awards.
"They say luck comes in threes. We were lucky in the Games One and Two and I hope that advantage works for us," wika ni Ateneo coach Joel Banal.
Bagamat ang sweep ay ordinaryo na lamang sa serye, para kay Blu coach Leo Isaac, isang kasaysayan ang nais nitong gawin na hindi pa nagagawa ng mga koponan ang makabalik mula sa 0-2 pagkakalubog at agawin ang korona.
"They were just lucky. Likewise, we also had some miscues offensively and defensively. But were still positive," wika naman ni Isaac.
Isa sa inaasahang babantayang mabuti ng Blu ay ang MVP na si Enrcio Villanueva na siyang susi sa magandang kapalaran ng Ateneo.