^

PSN Palaro

Titulo target ng Ateneo via sweep

-
Isang panalo tungo sa kampeonato ang pupuntiryahing maikamada ng Ateneo-Hapee-Negros Navigation sa muli nilang paghaharap ng Blu Sun Power sa Game Three ng kanilang best-of-five championship series ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Blue Eagles upang maisukbit ang kauna-unahang korona sa ligang ito matapos ang 92-86 panalo sa overtime noong Miyerkules ng gabi matapos na hawakan ang 2-0 kalamangan sa kanilang serye.

Nakatakda ang engkuwentro ng dalawang koponan sa alas-4:30 ng hapon matapos ang awarding ceremonies sa alas-4.

Igagawad nina PBL commissioner Chino Trinidad kasama si Chairman Dioceldo Sy ang karangalan para sa mahuhusay na manlalaro ng PBL ang Individual Players Achievement Awards kung saan ipagkakaloob ang MVP, Mythical Team, 2nd Mythical Team at iba pang awards.

"They say luck comes in threes. We were lucky in the Games One and Two and I hope that advantage works for us," wika ni Ateneo coach Joel Banal.

Bagamat ang sweep ay ordinaryo na lamang sa serye, para kay Blu coach Leo Isaac, isang kasaysayan ang nais nitong gawin na hindi pa nagagawa ng mga koponan ang makabalik mula sa 0-2 pagkakalubog at agawin ang korona.

"They were just lucky. Likewise, we also had some miscues offensively and defensively. But we’re still positive," wika naman ni Isaac.

Isa sa inaasahang babantayang mabuti ng Blu ay ang MVP na si Enrcio Villanueva na siyang susi sa magandang kapalaran ng Ateneo.

vuukle comment

ATENEO

ATENEO-HAPEE-NEGROS NAVIGATION

BLU

BLU SUN POWER

BLUE EAGLES

CHAIRMAN DIOCELDO SY

CHINO TRINIDAD

ENRCIO VILLANUEVA

GAME THREE

MYTHICAL TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with