Davao nais dumalawa sa Cebu

Target ng Professional Davao na madalawahan ang Cebuana Lhuillier sa muli nilang paghaharap ngayong alas-3:30 ng hapon sa MBA National Conference sa Mindanao Polytechnic Gym sa Cagayan de Oro City.

Ginamit ng Gems ang kanilang malalintang depensa upang payukurin ang Gems, 76-65 sa kanilang unang paghaharap noong Linggo ng gabi at ang kanilang panalo ngayon ang siyang magpapatag sa kanilang kapit sa solong liderato sanhi ng 3-0 karta sa Southern Conference.

Ngunit inaasahan na gagawa ang Gems ng eksplosibong opensa upang maipaghiganti ang kanilang unang kabiguan matapos ang dalawang laro kung saan mataas ang kanilang morale sanhi ng 97-91 pamamayani sa overtime kontra RCPI-Negros Slashers noong Martes.

Bukod sa pagpapatatag ng kanilang depensa, siguradong nakagawa na si Gems coach Francis Rodriguez ng malalim na taktika para palakasin ang kanilang opensa upang tapatan ang tikas ng pambato ng Eagles na si Cid White kung saan humakot ito ng 22 puntos sa 97-87 panalo ng Eagles kontra Casino Cagayan de Oro noong Martes.

Aasahan ng Gems ang balikat nina Jercules Tangkay, Chris de Jesus, Roy Lura at Egay Echavez na kailangang kumayod ng husto para mai-angat ang Gems sa panalo.

Sa ikalawang laro, dakong alas-6 ng gabi, sisikapin rin ng Slashers na masungkit ang kanilang ikalawang panalo sa kanilang paghaharap ng Amigos.

Unang tinalo ng Slashers ang Amigos, 103-94 noong Linggo na nagbaon sa huli sa ilalim ng standing sa eight-team field matapos ang kanilang dalawang dikit na kabiguan.

Show comments