^

PSN Palaro

Seryosong sayawan

GAME NA! - Bill Velasco -
Marami sa atin ang nalilibang sa ballroom dancing. Maganda itong ehersisyo, lalo na para sa nakatatanda sa atin. Subalit, dito sa Pilipinas, ang naging imahen ng ballroom ay ang matronang kumukuha ng dance instructor o "D.I." para turuan sila at bigyan ng pansin. Sa halos lahat ng ganitong situwasyon, "social dancing" ang kanilang inensayo.

Mayroong uri rin ng pagsayaw na kinikilala sa ibang bansa bilang isang elegante’t propesyonal na disiplina. Sa katunayan, sa ibang bansa, nagsisimula na silang katakutan ang mga Pilipino.

Ito ay sa ilalim ng Philippine Professional Dance Sports Association, Inc., isang independenteng grupo na naghihirap upang itaas ang antas ng pagsasayaw dito sa atin. Sa Australya’t Europa, ilang dekada nang tinatanggap ang ballroom bilang isa sa pinakamahirap na sport.

"Ang dance sport ay isang lehitimong sport na ilang taon ding pinag-aralan," bungad ni Alberto Dimarucot, chairman ng PPDSA."Hindi lang ito pormahan. May mga kilos na hindi puwedeng dayain, na ilang taon ang kailangan para lang makuha ang basics."

Si Dimarucot at ang kanyang partner na si Deborah Civardi, isang Australyana, ay tumatayong representante ng Pilipinas sa ilan nang world dance sport competition. Iilan lamang silang bumubuhay sa pag-asa nating mapansin sa entablado ng ibang bansa. At unti-unti na nilang natatamo ang katanyagan.

Noong ikalawang linggo ng Abril, ginanap sa Hongkong ang Super Hongkong International Ballroom Dancing Championships 2002. Sa International Match, si Roberto at Nadjah Limen ay natapos ng pampito sa labingwalong pares, bagamat ang ilan nilang kalaban ay mahigit dalawampung taon nang nakikipaglaban. Samantala, ang mga batang sina Eric Yumul (labing-isang taong gulang) at Eunice Reyes (walong taon) ay nagwagi sa Junior Standard at pumangalawa sa Junior Latin, bagamat ito ang kanilang kauna-unahang competition. Isang taon pa lamang silang tinuturuan ni Albert, na nagsa-sadya pa ng Bulacan upang sanayin ang mga bata.

Dahil sa angking husay ng mga Pilipino, si Stan Alexander, isang tanyag na trainor sa Australia, ay lumipat na sa Pilipinas. Ganadong ganado siya rito dahil ang mga inaabot ng limang taong ituro sa mga Australyano, isa’t kalahating taon lamang, nakukuha na ng mga Pinoy.

Naghahanap ang grupo ngayon ng mga gustong magsanay para maging kinatawan ng Pilipinas sa mga international competition. Subalit nagbabala sila na matinding pagsasanay ang kinakailangan, na ating ipapaliwanag sa isang susunod na edisyon.

vuukle comment

ALBERTO DIMARUCOT

DEBORAH CIVARDI

ERIC YUMUL

EUNICE REYES

ISANG

JUNIOR LATIN

JUNIOR STANDARD

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with