Namuno si Villanueva sa kanyang naitalang game-high 34 puntos, 7 rebounds at 5 blocks habang kumamada naman ng 11 puntos, 5 rebounds at 5 assists si Fonacier para pagtulungan ang panalo ng Blue Eagles.
Gayunman, hindi naging madali para sa Ateneo na ikamada ang ikalawang sunod na panalo nang umabot sa double overtime ang laro bago tuluyang iselyo ang panalo.
Samantala, impresibong performance ang inilabas ng Kutitap Toothpaste upang tuluyan nang ibulsa ang konsolasyong ikatlong puwesto matapos ang 77-61 panalo kontra ICTSI-La Salle.
Isinara ng Teeth Sparklers ang kanilang sariling best-of-three series ng ICTSI-Green Archers sa 2-0 bentahe.
Sa umpisa pa lamang ng labanan, agad na ipinakita ng Teeth Sparklers ang kanilang bangis nang iposte ang 24-7 pangunguna na hindi na nila binitiwan pa.
Bumandera sa opensa ng Teeth Sparklers si Cyrus Baguio na huma-taw ng 22 puntos, bukod pa ang limang rebounds at apat na assists, subalit sina Alwyn Espiritu at Jaymar Rivera ang siyang nagbigay ng mga krusiyal na laro para sa Kutitap upang duplikahin ang kanilang ginawa noong nakaraang kumperensiya.
Kumana si Espiritu, kagagaling mula sa operasyon sa gallstone ng 16 puntos, walo nito ay sa first quarter, habang umiskor naman si Rivera ng 15 puntos na tinampukan ng apat na triples.