PSC nag-request sa DFA
June 19, 2002 | 12:00am
Humingi ng request si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Eric Buhain sa Department of Foreign Affairs (DFA) na tumulong sa pagi-i-scouting ng bansa para sa kanilang mga mahigpit na karibal sa nalalapit na 14th Asian Games sa Busan, South Korea.
Ayon kay Buhain, kailangan nila ng mga impormasyon tungkol sa magiging karibal ng mga Filipino athletes sa September 29-Oct. 14 games at nakiusap siya kay Vice President at DFA Secretary Teofisto Guingona na gamitin ang embassy at consulate staff sa Asian region upang magtagumpay.
"We would like to request the Vice President to issue a note verbale to all our Philippine embassies and consulates in the region to gather information through newspaper clippings and team scouting," nakasaad sa sulat ni Buhain para kay Guingona.
Sa nakalipas na panahon, sinikap din ng PSC na makuha ng impormasyon tungkol sa kalaban, subalit ang nasabing hiling ay sa termino pa lamang ni Buhain naipormalisa sa DFA, ayon kay Ariel Paredes, miyembro ng PSC panel Task Force Asian Games.
"We feel the need to scout the opposition and although the national sports associations have their own networks, we are supplementing the effort through the DFA," dagdag pa ni Buhain.
Lalahok ang bansa sa 22 sports sa Busan at tangka nilang magpadala ng 150 atleta para sa nasabing games na kinukusindera rin na Olympics ng kontinente.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am