Ang FASUI na kinatawan ng founder at executive director Dick Padron ay lumagda ng isang Memorandum of Understanding kamakailan sa Philippine Olympic Committee na kinatawan ng kanilang pangulo na si Celso Dayrit.
Nakasaad sa kanilang kasunduan na ang FASUI ang siyang makikipag-koordinasyon sa POC sa mga pangangailangan ng mga Pinoy athletes na nagte-training sa Amerika.
Bilang karagdagan, nag-alok rin ang FASUI na maglulunsad ng mga information at awareness campaign sa buong kontinental ng Amerika upang makilala ang mga top caliber Filipino-American athletes na maaaring eligible na kumatawan sa bansa sa mga international competitions.
Kabilang din sa MOU na dapat ipaalam ng kani-kanilang national sports association ang sinumang atleta na may potential at desisyon kung kanila itong tatanggapin o mananatili ang Fil-Am athlete sa NSA.