Hindi nakatulong sa Slashers ang muling pag-upo sa bench ni head coach Joshua Villapando na kagagaling lamang sa karamdaman kung saan di ito nakadalo ng isang laro upang iangat ang kanyang koponan na lumasap ng ikalawang sunod na kabiguan.
Matapos na malimita sa 65-puntos ng Professional Davao Eagles noong Linggo, nagpasiklab ang Gems nang kanilang kunin ang 27-16 kalamangan sa first half.
Pero madaling nakabawi ang Slashers nang kanilang maitabla ang iskor sa 65-all sa pagsapit ng final canto.
Mula dito, naging mahigpitan na ang sagupaan ng dalawang koponan hanggang sa isalpak ni Dino Aldeguer ang kanyang basket para muling itabla ang iskor sa 80-all.
Nagkaroon ang Gems ng pagkakataon na maagang kunin ang kani-lang panalo, subalit sumablay ang huling tira ni Stephen Padilla may limang segundo na lamang ang nalalabi na siyang dahilan ng extra limang minuto.
Sa overtime, bumawi naman si Padilla nang agad na umiskor ng dala-wang sunod na tres upang ilayo ang Gems.
Pinangunahan ni Jercules Tangkay ang Gems sa kanyang tinapos na 23 puntos upang tabunan ang produksiyon nina Chris Dennis na nagsalpak ng anim na triples para sa kanyang 20 puntos na produksiyon at 15 naman ang kay Aldeguer para sa Slashers.