^

PSN Palaro

RCPI-Negros taob sa Cebuan sa OT

-
DAVAO CITY-Ibinuhos lahat ng Cebuana Lhuillier Gems ang kanilang nalalabing lakas upang pabagsakin ang RCPI-Negros Slashers, 97-91 sa overtime sa pagpapatuloy ng MBA National Tournament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum (RMC) Gymnasium dito.

Hindi nakatulong sa Slashers ang muling pag-upo sa bench ni head coach Joshua Villapando na kagagaling lamang sa karamdaman kung saan di ito nakadalo ng isang laro upang iangat ang kanyang koponan na lumasap ng ikalawang sunod na kabiguan.

Matapos na malimita sa 65-puntos ng Professional Davao Eagles noong Linggo, nagpasiklab ang Gems nang kanilang kunin ang 27-16 kalamangan sa first half.

Pero madaling nakabawi ang Slashers nang kanilang maitabla ang iskor sa 65-all sa pagsapit ng final canto.

Mula dito, naging mahigpitan na ang sagupaan ng dalawang koponan hanggang sa isalpak ni Dino Aldeguer ang kanyang basket para muling itabla ang iskor sa 80-all.

Nagkaroon ang Gems ng pagkakataon na maagang kunin ang kani-lang panalo, subalit sumablay ang huling tira ni Stephen Padilla may limang segundo na lamang ang nalalabi na siyang dahilan ng extra limang minuto.

Sa overtime, bumawi naman si Padilla nang agad na umiskor ng dala-wang sunod na tres upang ilayo ang Gems.

Pinangunahan ni Jercules Tangkay ang Gems sa kanyang tinapos na 23 puntos upang tabunan ang produksiyon nina Chris Dennis na nagsalpak ng anim na triples para sa kanyang 20 puntos na produksiyon at 15 naman ang kay Aldeguer para sa Slashers.

CEBUANA LHUILLIER GEMS

CHRIS DENNIS

DINO ALDEGUER

JERCULES TANGKAY

JOSHUA VILLAPANDO

NATIONAL TOURNAMENT

NEGROS SLASHERS

PROFESSIONAL DAVAO EAGLES

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

STEPHEN PADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with