^

PSN Palaro

Waves di umubra sa talas ng Blades

-
SAN FERNANDO, Pampanga -- Nakabalik ang LBC Batangas mula sa opening day na kabiguan nang igupo nito ang Osaka-Pangasinan, 96-77 kahapon sa MBA National Conference sa Bren Z. Guiao Convention Center dito.

Ang Blades na dinaig ng Gilbey’s Olongapo Volunteers 95-92 noong Sabado, ay nagpakita ng higit na magandang porma kontra sa Waves nang kontrolin nila ang laro simula sa umpisa.

Nagtulong sina Alex Compton at Peter Martin para sa pananalasa ng Blades sa second half na sinuportahan din nina Eddie Laure at Jeffrey Sanders sa huling bahagi ng laro.

Si Compton ay nagtapos ng may 22 puntos at 9 assists habang nag-ambag naman ng 17 puntos, 10 rebounds at one block si Martin para makisosyo sa karangalang best player ng laro.

Kumana naman ng 19 puntos si Sanders at nagdagdag ng 17 si Laure.

Samantala, dinaig naman ng Professional-Davao ang Cebuana Lhuillier, 76-65 noong Linggo ng gabi sa Davao Oriental Sports and Cultural Center sa Mati.

Kumana ang rookie na si Jon Dan Salvador ng 17 puntos at humatak ng 22 rebounds para daigin ang mas matatangkad niyang kalaban sa shaded area.

ALEX COMPTON

ANG BLADES

BREN Z

CEBUANA LHUILLIER

DAVAO ORIENTAL SPORTS AND CULTURAL CENTER

EDDIE LAURE

GUIAO CONVENTION CENTER

JEFFREY SANDERS

JON DAN SALVADOR

KUMANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with