Magsasagupa ang parehong mapanganib na Coca-Cola Tigers at FedEx Express sa nag-iisang laro ngayong alas-7:00 ng gabi.
Sino sa Coca-Cola at FedEx ang susunod sa yapak ng mga opening day winners na Talk N Text at Batang Red Bull?
Ang Tigers ay babanderahan ng isang dating import at isang bagito sa katauhan nina Ron Hale at Bryant Basemore.
Inaasahang kakaibang Ron Hale ang matutunghayan ngayon dahil galing ito sa NBA training camp. Si Basemore naman na pumalit kay Roselle Ellis ay naglaro sa Spain kung saan panglima ito sa scoring sa kanyang 19.7 average at nakasama sa mythical selection ng IBA noong 1996-97 season.
Bago at lumang import din ang reinforcement ng FedEx na sina Jermaine Walker at Art Long o kaya si Jeremy Robinson.
Si Long, na pinalit ng Express sa 73 na si Priest Lauderdale ay darating pa lamang ngayon mula sa States.
Ngunit ayon sa mga report, may kakaibang galing si Robinson kung kayat posibleng mapasakanya ang trabaho ni Long, isang 69 na nag-laro sa Seattle Super-Sonics.
Kung di makakapaglaro ang top draft pick na si Yancy de Ocampo para sa FedEx na nagkasakit bago magsimula ang torneo ay mayroong kalamangan ang Tigers.
Maglalaro na ngayon si Poch Juinio sa Coca-Cola kasama sina no.2 pick Rafi Reavis at Johnny Abarrientos matapos ma-cut sa RP-team na ipadadala sa Asian Games.
Bukod kina Juinio, Reavis at Abarrientos, ipinahiram din ng Tigers sa National pool sina Jeffrey Cariaso at Rudy Hatfield na kabilang ngayon sa RP-Selecta Team, ay nakapagtapos ang Coca-Cola bilang third place sa nakaraang Governors Cup.
Ang magtatagumpay na koponan ngayon ay hahanay sa puwesto ng Phone Pals at Thunder na namayagpag kontra sa Shell Velocity, 89-72 at Barangay Ginebra, 81-69 ayon sa pagkakasunod.