Tumapos si Aldeguer ng 22-puntos, bukod pa ang siyam na rebounds, anim na assists at apat na steals upang ibigay sa Slashers ang unang panalo, habang sumuporta naman si John Ferriols na may 15-puntos at 17 rebounds upang tabunan ang performance ni Recaredo Calimag na umiskor ng 28 puntos at 12 rebounds para sa Slashers.
Nagbigay ng mahigpit na laban ang Amigos nang trangkuhan nila ang pangunguna kung saan nagposte ito ng pinakamalaking 10 puntos, 99-89 sa huling tatlong segundo ng labanan bago unti-unting kumulapso matapos na maghatag ng malagkit na depensa ang Slashers upang agawin ang panalo.
Samantala, dadako naman ang aksiyon sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga kung saan maghaharap ang Batangas at Osaka Pangasinan sa alas-3 ng hapon, bago susundan ng pagtitipan sa pagitan ng Gilbeys Olongapo at Pampanga sa alas-6 ng gabi.