^

PSN Palaro

Amigos nilaslas ng Slasher

-
MATI, Davao Oriental -- Eskplosibong opensa ang ipinamalas ni Dino Aldeguer upang igiya ang Negros Slashers sa magandang debut game makaraang pabagsakin ang Casino Cagayan de Oro, 103-94 sa MBA National Tournament sa Davao Oriental Sports and Cultural Center (DOSCC) dito.

Tumapos si Aldeguer ng 22-puntos, bukod pa ang siyam na rebounds, anim na assists at apat na steals upang ibigay sa Slashers ang unang panalo, habang sumuporta naman si John Ferriols na may 15-puntos at 17 rebounds upang tabunan ang performance ni Recaredo Calimag na umiskor ng 28 puntos at 12 rebounds para sa Slashers.

Nagbigay ng mahigpit na laban ang Amigos nang trangkuhan nila ang pangunguna kung saan nagposte ito ng pinakamalaking 10 puntos, 99-89 sa huling tatlong segundo ng labanan bago unti-unting kumulapso matapos na maghatag ng malagkit na depensa ang Slashers upang agawin ang panalo.

Samantala, dadako naman ang aksiyon sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga kung saan maghaharap ang Batangas at Osaka Pangasinan sa alas-3 ng hapon, bago susundan ng pagtitipan sa pagitan ng Gilbey’s Olongapo at Pampanga sa alas-6 ng gabi.

BREN Z

CASINO CAGAYAN

DAVAO ORIENTAL

DAVAO ORIENTAL SPORTS AND CULTURAL CENTER

DINO ALDEGUER

GUIAO CONVENTION CENTER

JOHN FERRIOLS

NATIONAL TOURNAMENT

NEGROS SLASHERS

OSAKA PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with