^

PSN Palaro

Corteza, kampeon sa Barcelona Brandy P1-M 9 ball challenge

-
Inihanda na ni Eduardo ‘Picoy’ Villanueva ang kanyang sarili para sa isang makulay na panalo, pero nagpilit pa ring umagaw ng eksena ang defending champion na si Lee Van Corteza nang di nito pakawalan ang iniingatang korona.

Isang sorpresang end-game ang ginawa ni Corteza na siyang pumigil sa tangkang upset ni Villanueva nang kanyang iposte ang 13-12 panalo kahapon sa finals ng 1st Barcelona Brandy P1M 9-Ball Billiards Challenge sa Robinson Galleria.

Tabla ang iskor sa 12-all, nasa posisyon na si Villanueva, dating national team cue artists para ibulsa ang malaking panalo sa pamamagitan ng straight balls pabor sa kanya.

Subalit sumablay si Villanueva sa ninth ball na naging daan upang linisin ni Corteza ang Race-to-13 finals na hatid ng Barcelona Brandy, Robinson’s Malls, Dream TV, Rommel Billiards, Colt 45, Adidas, Absolute Mineral Water at Omerta Bugsy II Bar and Billiards na pag-aari ni Perry Mariano.

"Kay Villanueva na talaga yon, pero bandang huli, yung lucky breaks sa akin pa rin," pahayag ni Corteza na tumanggap ng lingguhang premyo na P15,000.

Kung mananalo si Corteza sa loob ng 15 sunod na linggo, siya ay awtomatikong mag-uuwi ng bonus prize na P1 milyon bukod pa sa lingguhang premyo.

Ang mahigpitang labanan ay isa sa may klasikong pagtatapos sa kasaysayan ng billiards sa bansa. Napukaw ni Villanueva ang pansin ng mga manonood makaraang maiposte ang 9-8 panalo kontra Boy ‘Pusang Itim’ Ducanes na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na hamunin si Corteza sa titulo.

Nagawa rin niyang umabante sa 6-1 sa kaagahan ng laban, pero nakabalik si Corteza, kilala sa kanyang mga defensive styles at mahusay na ball placings nang kanyang itabla ang iskor sa 7-all bago kunin ang kalamangan sa 12-10.

Hindi pa rin sumuko si Villanueva at muli niyang naitabla ang iskor sa 12-all, dito abot kamay na niya ang panalo.

"Nakapanghihinayang. Yung suwerte talaga di mo malaman kung kanino didikit. Pero me ibang pagkakataon pa naman. Sana, pag nagharap kami uli, sa akin na talaga ang panalo," paghihimutok ni Villanueva.

Si Villanueva at iba pang kalahok sa qualifying round maging ang iba pang mahuhusay na players ay maaari pa ring sumali sa open tournament na ito tuwing Huwebes, simula sa alas-2 ng hapon sa Omerta Bugsy II Bar and Billiards.

Ang top two finalists ang siyang magahahrap para sa championship round tuwing araw ng Biyernes sa Robinson’s Galleria na ang mananalo ang siyang mabibigyan ng karapatang labanan si Corteza para sa korona.

ABSOLUTE MINERAL WATER

BALL BILLIARDS CHALLENGE

BAR AND BILLIARDS

BARCELONA BRANDY

CORTEZA

KAY VILLANUEVA

LEE VAN CORTEZA

OMERTA BUGSY

PERRY MARIANO

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with