Ginulantang ni Villanueva, dating national team cue artist ang beteranong si Ramil Gallego, 6-5 habang naging masuwerte naman si Ducanes sa endgame breaks upang igupo si Emil dela Paz, 6-5.
Maghaharap ang dalawa sa race-to-13 finals sa Robinsons Galleria para sa P15,000 weekly top purse at tsansang makaharap ang Barcelona Brandy champion Lee Van Corteza para sa titulo.
Ipapalabas ang finals sa NBN Channel 4 mula alas-3-5 ng hapon.
Nagtala rin ng upset sina Anton Nicolas na sumilat sa 1998 Asian Games 9-Ball doubles gold medalists na si Snooky Villanueva ngunit tinalo naman ni Ducanes sa round-of-8, 6-5.