^

PSN Palaro

Isa pa para sa Purefoods?

- AC Zaldivar -
GUSTO sana ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs na manatiling intact ang line-up nila para sa PBA Commissioners Cup dahil nga may kasabihan sa Ingles na nagsasaad ng ganito: "If it ain’t broke, don’t fix it."

Hindi ba nga’t nagkampeon ang Hotdogs sa nakalipas ng Samsung-Governors Cup kung saan tinalo nila sa best-of-seven Finals ang Alaska Aces, 4-1 sa pangunguna ni Derrick Brown na itinanghal na Best Import?

Natural na naisin ng Purefoods na si Brown pa rin ang maging import ng Hotdogs sa second confrence. Gamay na nila ito at alam nila kung ano ang maibibigay nito sa kanila.

Subalit umalis si Brown noong Linggo patungong Toronto upang umattend ng training camp ng Toronto Raptors sa NBA. Ang camp ay nagsimula noong Hunyo 12. Kung papalarin si Brown, aba’y magiging kakampi niya sina Vince Carter at Hakeem Olajuwon sa 2002-03 season ng NBA. At matutupad ang kanyang pangarap.

"Masama naman kung ipagdadasal naming huwag makuha ng Raptors si Brown para makabalik siya sa amin. Hindi maganda iyon," biro ni team manager Rene Pardo sa farewell party ng Hotdogs para kay Brown noong Sabado sa Celebrity Sports Plaza.

"Sa tutoo lang, mas matutuwa kami kung makukuha si Brown at makapaglalaro sa NBA. Natupad na ang pangarap niyang magkaroon ng championship. Natulungan na niya kami. Puwes, sana matupad pa ang isa niyang pangarap na maglaro sa NBA," dagdag ni Pardo.

Bilang kapalit ni Brown ay kinuha ng Hotdogs ang Nigerian na si Gabe Mouneke na nakita nina Pardo at coach Paul Ryan Gregorio habang naglalaro sa Champions for Christ kamakailan. Maganda daw ang kilos ni Mouneke at tinalo pa nga ng Champions for Christ ang ilang professional teams na nakaharap nito sa mga exhibition games.

Ang 6-7 na si Mouneke ay prokukto ng University of Texas. Sa kanyang senior year ay napabilang sa second team ng All Big-12 Conference kasama ang sentrong si Eric Chenowith ng Kansas, at forward na si Marcus Fizer ng Iowa State, ang guwardiyang si Rayford Young ng Texas at ang guwardiyang si Doug Gottlieb ng Oklahoma State.

Huli siyang naglaro sa Boca Juniors sa Argentina kung saan dumating siya bilang kapalit ni Jermaine Tate na isa sa mga imports ng San Miguel Beer. Aba’y kung pinalitan niya si Tate, ibig sabihin ay matindi siya.

Makakasama ni Mouneke si Kelvin Price na sorpresa sa halos lahat nang magpakita ng husay sa nagdaang Governors Cup Finals. Akala kasi ng karamihan ay pang-depensa lang at tagakuha ng rebounds si Price. Puwede rin naman pala siyang umiskor.

Kaya naman kinuha siyang muli ni Gregorio na nagsabing "Very coachable si Price. Kung ano ang ipagawa mo sa kanya, gagawin niya."

Oo, nami-miss ni Gregorio si Brown pero umaasa siyang mapupunan ni Mouneke ang pagkawala niya.

At siyempre, dahil sa mapagbigay ang Purefoods at walang iniisip kundi ang kapakanan ni Brown, baka kasihang muli ng suwerte ang Hotdogs at maisubi nila ang ikalawang korona sa minimithing Grand Slam.
* * *
HAPPY birthday kina Paul Alvarez at Allan Caidic na kapwa nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayon. Gayundin kay Mapua High School batch 76 president Felvi Cannu.

ALASKA ACES

ALL BIG

ALLAN CAIDIC

BEST IMPORT

BOCA JUNIORS

BROWN

CELEBRITY SPORTS PLAZA

KUNG

MOUNEKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with