Dominado ng 14-anyos na si Laureano ang Short at Long Program nang umiskor ito ng 11.24 puntos at makopo ang ginto kontra sa kanyang mahigpit na kalaban na si Kilani Dewit ng ISUP-Las Piñas na nakuntento lamang sa silver bunga ng 11.11 puntos.
Napasakamay naman ni Leia Felipe ang bronze sa kanyang 10.80 puntos.
Sa mens Seniors category, sinungkit ni Dale Feliciano ng ISUP-Mandaluyong ang ginto nang talunin sina John Solanzo at Ronan Capili na pawang taga ISUP-Las Piñas.
Lumikom ang 23-anyos two-time Nationals silver medalist na si Felciano ng 11.25 puntos upang lukuban ang 11.12 at 10.64 puntos na produksiyon nina Solanzo at Capili, ayon sa pagkakasunod.