Laureano ISUP national champs
June 14, 2002 | 12:00am
Matagumpay na naidepensa ni Fran Laureano ng Las Piñas ang kanyang korona sa womens Seniors category sa pamamagitan ng kanyang impresibong performance sa pagtiklop ng dalawang araw na ISUP Nationals 2002 ice skating championships noong Huwebes sa Southmall ice skating rink sa Las Piñas City.
Dominado ng 14-anyos na si Laureano ang Short at Long Program nang umiskor ito ng 11.24 puntos at makopo ang ginto kontra sa kanyang mahigpit na kalaban na si Kilani Dewit ng ISUP-Las Piñas na nakuntento lamang sa silver bunga ng 11.11 puntos.
Napasakamay naman ni Leia Felipe ang bronze sa kanyang 10.80 puntos.
Sa mens Seniors category, sinungkit ni Dale Feliciano ng ISUP-Mandaluyong ang ginto nang talunin sina John Solanzo at Ronan Capili na pawang taga ISUP-Las Piñas.
Lumikom ang 23-anyos two-time Nationals silver medalist na si Felciano ng 11.25 puntos upang lukuban ang 11.12 at 10.64 puntos na produksiyon nina Solanzo at Capili, ayon sa pagkakasunod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended