Itoy makaraang kumuha ng tatlong baguhang manlalaro upang idagdag sa lineup ng Stars, kasabay ng pagbabalik aksiyon ng playing coach na si Ato Agustin bilang isang fulltime player para sa prang-kisa na nanalo ng kauna-unahang MBA National Championship noong 1998 bilang Pampanga Dragons.
Sinungkit ng Stars ang mga collegiate stalwart na sina Celino Cruz mula sa Far Eastern University (FEU), ex-Dragon Roland Pascual at ex-Socsargen-Taguig Marlin Rafael Santos. Puntirya rin ng Stars ang isa pa ring Tamaraws ang 6-6 sentro na si Rysal Castro ng Floridablanca town.
Tatayong coach ng Stars si Allan Trinidad, habang sina Romeo Lopez at Manuel Marquez ang siyang aasiste kay Trinidad, na sandaling gumiya sa Nueva Ecija Patriots sa MBA 2000.
Inihayag din ni Trinidad na si Lubao Mayor Dennis Pineda ay pumayag ng maging General manager ng Stars at inutusan siya na palakasin ang kanilang koponan.
Ang iba pang bumubuo ng line-up ng Pampanga ay sina Dave Bautista, Billy Bansil, Enrico Gascon, Richard Melencio, Edgar Ignacio at Ariel Garcia, mga rookies na sina Vincent John Santos at Crispin Guintu.