^

PSN Palaro

Agustin, balik-aksiyon sa Pampanga Stars

-
Matapos ang di magandang performance sa MBA First Conference, determinado ang Pampanga Stars na sumiklab sa MBA Nationals na magsisimula sa Hunyo 15.

Ito’y makaraang kumuha ng tatlong baguhang manlalaro upang idagdag sa lineup ng Stars, kasabay ng pagbabalik aksiyon ng playing coach na si Ato Agustin bilang isang fulltime player para sa prang-kisa na nanalo ng kauna-unahang MBA National Championship noong 1998 bilang Pampanga Dragons.

Sinungkit ng Stars ang mga collegiate stalwart na sina Celino Cruz mula sa Far Eastern University (FEU), ex-Dragon Roland Pascual at ex-Socsargen-Taguig Marlin Rafael Santos. Puntirya rin ng Stars ang isa pa ring Tamaraws ang 6-6 sentro na si Rysal Castro ng Floridablanca town.

Tatayong coach ng Stars si Allan Trinidad, habang sina Romeo Lopez at Manuel Marquez ang siyang aasiste kay Trinidad, na sandaling gumiya sa Nueva Ecija Patriots sa MBA 2000.

Inihayag din ni Trinidad na si Lubao Mayor Dennis Pineda ay pumayag ng maging General manager ng Stars at inutusan siya na palakasin ang kanilang koponan.

Ang iba pang bumubuo ng line-up ng Pampanga ay sina Dave Bautista, Billy Bansil, Enrico Gascon, Richard Melencio, Edgar Ignacio at Ariel Garcia, mga rookies na sina Vincent John Santos at Crispin Guintu.

ALLAN TRINIDAD

ARIEL GARCIA

ATO AGUSTIN

BILLY BANSIL

CELINO CRUZ

CRISPIN GUINTU

DAVE BAUTISTA

DRAGON ROLAND PASCUAL

EDGAR IGNACIO

ENRICO GASCON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with