^

PSN Palaro

4 A's gustong ibalik sa Pinas ng PATAFA

-
Dahil sa nakatakdang partnership sa pagitan ng Philippine Sports Commission at Philippine Amateur Track and Field Association, isusulong ng bansa ang bidding upang muling maibalik dito ang prestihiyosong Asian Amateur Athletic Association (4 A’s) championships sa susunod na taon matapos ang isang dekada.

Matapos na mabigyan ng go-signal ni PSC chairman Eric Buhain kamakailan, pormal na ipaaalam ni PATAFA chief Go Teng Kok sa 4 As ang bagay na ito kasabay ng pag-alis ng matatag na RP team na lilipad patungong Sri Lanka para sumabak ngayong taon sa Asian Championships.

"Chairman Buhain shares the PATAFA vision to further strengthen the athletics in our country not only through participation in international meets but also by hosting such major events like the 4 As. With the full backing of the PSC, I am very optimistic that this goal of ours will be realized," ani Go.

Hindi naging mahirap kay Go na kumbinsihin si Buhain para sa ambisyosong programa matapos na ma-impress sa tagumpay ng back-to-back na pagdaraos ng Milo National Open-Gov. Sering Cup at ang ikatlong yugto ng Asian Grand Prix noong nakaraang buwan.

At sa nasabing events, nagpamalas sina long distance runner Eduardo Buenavista at sprinter John Lozada ng maningning na performance upang magpakita ng bahagyang preview kung ano ang aasahan ng bansa para sa nalalapit na Asian Games ngayong Oktubre sa Busan, Korea.

Sina Buenavista at Lozada ay magpapakita ng aksiyon sa Sri Lanka gayundin sa Asian Games.

Unang ginanap ang 4As sa bansa kung saan ang major founding member ay ang yumaong si Gov. Jose Sering na siyang pangulo ng PATAFA noong 1973 sa Marikina.

Makalipas ang 20-taon, umentra na si Go sa Philippine athletics at kanyang sinulsulan si Sering na muling idaos sa bansa ang 4 As sa Rizal Memorial oval.

vuukle comment

ASIAN AMATEUR ATHLETIC ASSOCIATION

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ASIAN GAMES

ASIAN GRAND PRIX

CHAIRMAN BUHAIN

EDUARDO BUENAVISTA

ERIC BUHAIN

GO TENG KOK

JOHN LOZADA

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with