Humakot si Codamon ng 11 puntos ay kumana ng ganoon ding bilang ng rebounds upang ihatid ang Detergent Kings sa 12-7 pagtatapos.
Angat ang Blu sa 73-69, may 17.4 segundo na lamang ang nalalabi nang magpakawala ng tres si Allan Salangsang upang makalapit ang Teeth Sparklers sa 72-73 may 5.1 segundo ang nalalabi.
Sa sumunod na play, humugot si Cyrus Baguio ng foul kay Codamon, subalit nagmintis ang kanyang dalawang freethrows sa final 4.3 segundo.
Dito na nagpasiklab si Codamon nang kanyang kunin ang rebounds sa ikalawang mintis na freethrows ni Baguio at kanyang inalagaan upang mapreserba ang kanilang panalo.
Napasakamay rin ng Blu ang 5-of-8 incentive na siyang magtutulak sa kanila para sa awtomatikong best-of-five championship series kung sakaling manalo ang Ateneo sa ICTSI-La Salle na habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang naglalaban pa.
Pero kung mananaig ang ICTSI Archers ang playoff ay gaganapin sa Biyernes.
"The boys really showed theyre determined to get into the finals. Actually, wala akong instructions in the dying seconds. Nasa penalty ang kalaban so we have to move the ball, work on our defense and penetrate the lane," wika ni Blu coach Leo Isaac.