Luna, hinugot ng Volunteers

Hinugot ng Olongapo Volunteers ang 6’7 sentro na si Pastor Erwin Luna upang palakasin ang kanilang kampanya.

At dahil sa pagkakadagdag ni Luna sa koponan na pormal ng lumagda ng kontrata, inaasahang gagawa ng eksplosibong performance si coach Edmundo Baculi sa MBA National na nakatakdang magbukas sa Sabado (Hunyo 15) kung saan dalawang salpukan ang iho-host ng Volunteers sa kanilang home court sa Olongapo City Convention Center. Titipanin ng Osaka Pangasinan Waves ang Pampanga Stars sa alas-3 ng hapon, habang maghaharap naman ang Volunteers at ang Batangas Blades sa alas-6 ng gabi.

Nasa kundisyon si Luna na kagagaling lamang sa kanyang paglahok sa koponan ng Spring Cooking Oil sa nakaraang Asian Basketball Confederation (ABC) Champions Cup sa Malaysia.

Upang ma-accomodate si Luna, pinakawalan ng Volunteers ang mga sentrong sina Robert Paul Allen at forward Calijohn Orfrecio. Ang Volunteers ay mayroong 13 players na kinabibilangan nina guards Eugene Tan, Michael Christopher Robinson, Julius Gonzales, Johnedel Cardel at forwards Brixter Encarnacion, Henry Fernandez, Kerwin McCoy, Ferdinand Go at Ricky Vinoya.

Show comments