Sino ang papasok sa finals?
June 12, 2002 | 12:00am
Iisa ang layunin ng Kutitap, Blu Sun Power at ICTSI-La Salle ang maipanalo ang kani-kanilang laban na siyang magdedetermina kung aling koponan ang siyang mapapasabak para sa best-of-five finals showdown sa pagtatapos ngayon ng semifinal round ng PBL Chairmans Cup sa Makati Coliseum.
Kailangan ng ICTSI-La Salle na maipanalo ang kanilang laban kontra sa finalist ng Ateneo-Hapee-Negros Navigation sa alas-5 ng hapong sagupaan upang mapanatiling buhay ang kanilang tsansa para mapasabak sa kontensiyon.
Mahalagang panalo rin ang aasintahin ng Kutitap Toothpaste at Blu sa kanilang nakatakdang duwelo sa alas-3 ng hapon upang makakuha ng playoff para sa huling finals berth.
Dahil sa pagdiriwang ngayon ng Araw ng Kalayaan ang nasabing mga laban ay libre para sa publiko.
Kung magkakaroon ng three-way tie para sa ikalawang puwesto kung sakaling mananaig ang Kutitap sa Blu at mananalo naman ang Ateneo sa La Salle, sila ay kapwa tatapos ng mayroong 11-8 kartada, ito ay gagamitan ng quotient system upang madetermina kung sinong koponan ang ilalaban sa Ateneo para sa best-of-five championship series.
At kapag nagkaganito ang situwasyon, dalawang playoff ang siyang itatakda kung saan ang may pinakamataas na quotient ang makakakuha ng bye at ang mananalo sa dalawang koponan sa unang playoff match ang siyang makakasagupa naman ng koponan na may mataas na quotient para sa huling finals slot.
Kung sakaling manalo ang Kutitap kontra Blu at mabibigo naman ang La Salle sa Ateneo, ang Teeth Sparklers ang siyang mabibigyan ng karapatan na harapin ang La Salle sa playoff dahil sa kanilang 5-of-8 incentives para sa huling finals berth.
Pero kung ang Blu at La Salle ang mananaig, ang dalawa ay tatapos na may-roong 12-7 kartada at sila ay maghaharap sa playoff at ang mananalo sa kanila ang mapapasabak para sa kampeonato.
Pero maiiwasan ang kumplikadong situwasyon kung kapwa mananalo ang Blu at Ateneo, walang playoff na gaganapin at ang Blu ang siyang makakakuha ng karapatang harapin ang Ateneo sa championship round.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended