Isa namang balik PBA import din ang kinuha ng Sta. Lucia Realty sa katauhan ni Stephen Howard upang makatambal ng isang bagitong si Willie Farley.
Kinuha naman ng Ginebra ang serbisyo ng datihan na ring si Silas Mills at isang baguhang si Ben Davis.
Ito ang naghihintay na atraksiyon sa pagbubukas ng Commissioners Cup sa Linggo sa Araneta Coliseum.
Umaasa ang Turbo Chargers na hindi na muling magkakaroon ng problema sa import na siyang nakasama sa kanilang kampanya sa naunang kumperensiya.
Si Howard naman, nakapaglaro sa Utah Jazz sa NBA at naging susi sa tagumpay ng San Miguel Beer sa torneong ito, tatlong taon na ang nakakaraan ang inaasahan ng Realtors na makapagbibigay sa kanila ng karangalan kasama ang katulad niyang may potensiyal na maging eksplosibong si Farley.
Si Farley ay galing sa Fresno State, naging top scorer sa katatapos lamang na Australian NBL upang pangunahan ang Adelaide 36ers sa pag-kopo ng titulo sa kanyang average na 25.7 puntos bukod pa sa pangatlong 2.3 steals per game.
Ito naman ang ikatlong kumperensiya ni Mills sa PBA na unang nagsilbi sa Mobiline Phone Pals noong 1998 Governors Cup na makakatulong ng 6-foot-9 banger na si Davis na nakapaglaro sa Phoenix at New York sa NBA para sa Gin Kings.
Bagong mukha naman ang isasalang ng San Miguel sa katauhan nina Jermaine Tate at Damon Flint habang magbabalik naman si Ron Hale para sa Coca-Cola na papartneran ng isa pa ring bagitong si Bryant Basemore, isang 68 Belgium league veteran.
Ang Talk N Text ay baban-derahan ni Jerald Honeycutt katulong ang bagitong si Danny Johnson habang ang dating Best Import na si Tony Lang at Julius Nwosu ang muling babandera sa Red Bull.
Isang 7-foot-3 import na si Priest Lauderdale naman ang kinuha ng FedEx para makasama ni Jermaine Walker habang muling maglalaro si Kelvin Price para sa Purefoods na sasamahan muna ni Gabe Mounik hanggang sa makabalik si Derrick Brown.