Makakalaban ni Bustamante ang mananalo sa pagitan nina Efren Bata Reyes at Corey Deuel ng U.S.A. na kasalukuyang naglalaban para sa huling finals slot habang sinusulat ang balitang ito.
Ang matatalo sa labanang ito ay siyang haharap kay Takahashi sa race-to-11 affair para sa konsolasyong ikatlong puwesto.
Ang finals ay race-to-13 kung saan ang magwawagi ay magbubulsa ng $15,000 habang ang runner-up naman ay mag-uuwi ng $10,000. Ang Third place ay $7,500 at $5,000 naman sa fourth place.
Tila tinatahak na ni Takahashi ang daan patungong finals nang kanyang kunin ang maagang 4-2 kalamangan ngunit nagkaroon ng momentum si Bustamante nang magmintis ang Japan No. 1 player sa 4-9 combination na siyang nagbigay daan sa Pinoy cue artist para makabangon.
Umabante si Bustamante sa 6-4 at bagamat nakaporma pa si Takahashi sa 11th rack para sa 5-6 at tuluyan nang inangkin ni Bustamante ang unang finals slot nang kanyang kunin ang ika-12th, 13th at 14th racks.
Nakuha nina Reyes at Bustamante ang daan tungo sa semis noong Sabado pa habang naging mahigpit ang laban para sa Rest of the World hanggang sa bigyan ito ng konklusyon ni Reyes na nanalo kay Deuel , 7-4, noong Linggo ng gabi. (Ulat ni Carmela V Ochoa)