^

PSN Palaro

Columbian boxer TKO kay Pacquiao

-
Salungat sa unang prediksyon na mahihirapan si Manny Pacquiao, itinala ng Filipino boxer ang isang magaan na tagumpay sa Pyramid Arena.

Ginawa ni Pacquiao ang nabigong gawin sa Columbian challenger na si Jorge Julio sa kanyang mga kalaban matapos itala ang second-round knockout victory upang mapanatili ang International Boxing Federation (IBF) superbantamweight title sa ikalawang pagkakataon.

Binigyan ni Pacquiao si Julio na ang tatlong kabiguan kina Junior Jones, Johnny Tapia at Adan Vargas ay pawang sa puntos, ng malakidlat na left straight sa baba. Bagamat nayanig sa suntok ng Pinoy, nagawa pa ring bumangon ni Julio ngunit muling tumanggap lamang ng malakas na bigwas kay Pacquiao.

Bunga nito, tinigil ni referee Bill Clancy ang laban may 1:09 ang oras sa ikalawang round na hudyat ng tagumpay para sa Filipino boxer.

Ang pinaiksing laban ni Pacquiao kontra kay Julio at ang main supporting fight sa eksplosibong heavyweight rumble sa pagitan nina Lennox Lewis at Mike Tyson kung saan pinabagsak ng Briton champion na si Lewis si Tyson sa ikawalong round.

Ang panalo ni Lewis ay pagdepensa din niya sa kanyang WBC at IBF titles at nagkumpirma ng kanyang kinalalagyan bilang isa sa mga greatest heavyweights sa kasaysayan ng boxing.

Duguan mula sa dalawang sugat sa may mata nang bilangan ni referee Eddie Cotton ang Amerikanong boksingero habang patangotango si Lewis na tila kinukumpirma ang desisyon at itinaas ang mga kamay bilang hudyat ng kanyang tagumpay.

Sa kabilang dako, impresibo naman ang performance ni Pacquiao kontra sa mas matangkad niyang kalaban na si Julio.

"I also knew right in the first round that he had been hurt by my pun-ches," anang 23 anyos na si Pacquiao na mas bata ng sampung taon sa kalaban.

ADAN VARGAS

BILL CLANCY

EDDIE COTTON

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JOHNNY TAPIA

JORGE JULIO

JUNIOR JONES

LENNOX LEWIS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with