^

PSN Palaro

Pacquiao handa sa depensa vs Julio

-
Hindi lamang ang laban nina Mike Tyson at Lennox Lewis ang pinananabikan ng mga Pinoy kundi pati na rin ang pagdedepensa ni Manny Pacquiao ng kanyang International Boxing Federation super bantamweight title.

Isa sa undercard ng kontrobersiyal na laban nina Tyson at Lewis sa ‘The Pyramid’ sa Memphis, Tennessee ang pakikipaglaban ni Pacquiao sa Columbian Challenger at two-time bantamweight champion na si Jorge Eliecer Julio.

Ang pinakaaaba-ngang event na ito ay mapapanood sa NBN-Channel 4 ngayong alas-8:00 ng umaga.

Pumasa sa 122lbs. weight limit sa kanyang timbang na 120lbs. taliwas sa kanyang kalabang si Julio na kinailangan pang hubarin ang kanyang underwear para umabot sa itinakdang timbang.

Si Pacquiao ay may 33-2-1win-loss-draw record kabilang ang 24 knockouts habang si Julio ay may 44-3-2 records na may 32 KOs.

Sa huling laban ni Pacquiao, isang kontrobersiyal na draw ang kanyang sinapit laban kay Agapito Sanchez ng Dominican Republic sa San Francisco noong November upang mapanatili ang kanyang korona.

vuukle comment

AGAPITO SANCHEZ

COLUMBIAN CHALLENGER

DOMINICAN REPUBLIC

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JORGE ELIECER JULIO

LENNOX LEWIS

MIKE TYSON

PACQUIAO

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with