Solo liderato itataya ng Ateneo vs Blu
June 7, 2002 | 12:00am
Itataya ng nangungunang Ateneo-Hapee Negros Navigation ang kanilang solong pamumuno sa kanilang pakikipaglaban sa mapanganib na Blu Sun Power ngayon sa pagpapatuloy ng semifinals ng 2002 PBL Chairmans Cup sa Pasig Sports Center.
Pinapaborang manalo ang Blue Eagles sa alas-3:00 ng hapong engkwentro dahil sa kanilang 2-1 head-to-head record laban sa Detergent Kings.
Nanalo ang Ateneo sa kanilang unang pagkikita, 58-48 noong Abril 12 at gayundin sa kanilang unang semifinal encounter noong May 24, 64-57, habang ang Blu ay nakaganti sa Ateneo, 91-88 noong May 3.
Ngunit galing ang Ateneo sa nakakapagod na 85-77 double overtime panalo kontra sa Kutitap habang ang Blu ay naka-back-to-back win laban sa Kutitap Toothpaste at Shark Energy Drinks.
Mahalagang panalo naman ang puntirya ng Kutitap na nalaglag sa 10-7 matapos matalo sa Ateneo, sa kanilang pakikipagharap sa Shark sa alas-5:00 ng hapon upang makahabol sa 5-of-8 incentive rule na magbibigay sa kanila ng karapatang hamunin ang no. 2 team para sa huling finals slot.
Ang Ateneo ay kasalukuyang may 11-5 win-loss slate kasunod ang ICTSI-La Salle na may 11-6, Blu (10-6) at Kutittap (10-7) habang ang Shark ay may 6-11 kartada.
"The situation is quite unpredictable that no team yet is sure of the finals. That makes the last three games even more important. And as much as possible, we have to win them all to assure ourselves of the finals," ani Ateneo coach Joel Banal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended