Pangulo ng PACA kailangang magpaliwanag
June 6, 2002 | 12:00am
Maraming dapat ipaliwanag ang suspendidong Philippine Amateur Cycling Association (PACA) president Ponciano Regalado hindi lamang ukol sa mga unliquidated funds na na-withdraw kundi pati na rin sa kanyang naging desisyon na i-withdraw ang sanction sa nakaraang Tour of Calabarzon.
Binawi ni Regalado ang sanction ng Tour of Calabarzon matapos mabigong makipagkasundo sa sanction fees at race officials sa mga organizers.
Kailangan ding ipaliwanag ni Regalado na binabatikos na rin ng kanyang sariling board dahil sa mga financial irregularities, ang naiulat na P50,000 assistance na ibinigay ng Airfreight 2100 para sa mga siklista ngunit hindi nakarating sa mga riders.
Si Regalado ang pinagtutuunan ng investigative committee na binuo ng Philippine Sports Commission matapos mabigong i-liquidate ang P1.5 milyon na ibinigay ni Chairman Eric Buhain bilang financial assistance sa mga national cyclists para sa partisipasyon sa Asian championships sa Taiwan.
"The PACA suspends Ponciano Regalado Jr. as president of the association for 90 days during which, he shall be held to explain and rationalize his blatant violation of the PACA constitution and utter disregard of the prerogatives of the board of directors," ang nakasaad sa isang bahagi ng statement na isinumite ng executive vice president at acting president Antonio Cruz sa PSC at Philippine Olympic Committe (POC).
Ang suspensiyon ay epektibo noong Mayo 29, isang araw bago ganapin ang Tour of Calabarzon. Noong May 30 ay nagpalabas si Regalado ng statement sa press na hindi sanctioned ng PACA ang karera.
Walo sa 15 direktor ang pumirma ng resolusyong suspindihin si Regalado na kailangang ding i-account ang hiwalay na P679,912 financial assistance na ibinigay din ng PSC.
Humingi si Regalado ng $30-per-day allowance para sa mga siklista sa 14 araw na partisipasyon sa torneo ngunit walong araw na allowance lamang ang natanggap ng mga riders at ang iba ay pang-anim na araw lamang.
Humingi din si Regalado ng P30,000 per day na sanction fee para sa apat na araw na Tour of Calabarzon ngunit pumayag ito na P10,000 a day na lamang sa negosasyon.
Noong panahon ng yumaong Governor Francisco Almeda, hindi pinagbayad ang Marlboro ng kahit na isang sentimo para sa 18-day Marlboro Tour na naging international noong 1997 at 1998.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am