Motolite World 9-Ball Challenge bukas na
June 5, 2002 | 12:00am
Nakatakdang dumating kahapon ang World Pool Champion na si Mika Immonen na kilala bilang "Fantastic Finn" kasama ang ace Japanese player na si Kunihiro Takahashi para sa Motolite World 9-Ball Challenge na magbubukas sa Araneta Coliseum bukas.
Ang dalawa pang miyembro ng "Rest of the World squad ay sina US Open champion Corey Duel, ang batang American sensation at three-time world champion at five-time US champion Earl The Pearl Strickland ay nakatakdang dumating ngayon.
Ang Philippines Best naman ay pangungunahan ng "The Magician Efren Bata Reyes na sabik nang makipaglaban sa apat na mahuhusay na players sa mundo ngayon.
Kasama ni Reyes sa koponan sina Francisco Django Bustamante, nanalo sa nakaraang Japan Open na dumating kahapon bukod pa kina Antonio Lining at ang rising star na si Dennis Orcullo.
Sinabi ni Immonen kay Artisteo Putch Puyat na sabik din itong lumaban sa Manila sa kanyang unang dalaw sa Pilipinas gayundin si Duel na ranked no. 1 AZ Billiards sa buong mundo ngayon bunga ng kanyang anim na panalo noong nakaraang taon sa Billiards Congress of America 9-Ball Championship, US Open, ESPN Sudden Death 7-Ball at 34th All-Japan Championships.
Makakasama nina Immonen at Takahashi sina Reyes, Bustamante, Lining at Orcullo sa news conference ngayong alas-2:00 ng hapon sa Araneta Coliseum na magiging punong abala ng torneo sa June 6-11.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended