Hugnatan, MBA Hardcourt Hero
June 4, 2002 | 12:00am
Isa nang bigating player si Reynel Hugnatan ng RCPI-Negros Slashers ng Metropolitan Basketball Association (MBA) matapos nitong makopo ang Hardcourt Hero citation sa katatapos lamang ng First Conference championship series.
Na-sweep ng RCPI-Negros Slashers ang serye 3-0 upang makopo ang kanilang unang kampeonato matapos ang limang taon makaraang igupo ang Batangas sa 87-82 panalo sa Lipa City Youth and Cultural Center.
Hindi mapigilan si Hugnatan sa kanyang naitalang 26-puntos at 11-rebounds sa Game Three na siyang nanalasa sa ikalawa at ikatlong quarters kung saan humakot ito ng 10-puntos.
Sa tulong ni Hugnatan ay nanatiling nakadikit ang Slashers sa kalaban at ang kanyang back-to-back baskets sa kaagahan ng ikatlong quarter ang nagbigay sa Negros ng kalamangan sa kauna-unahang pagkakataon, 51-49 at mula ditoy di na bumitaw pa.
Naging mahusay din si Hugnatan sa depensa na siyang humugot ng krusiyal na rebounds na siya ring nagpatalsik sa main man ng Blades na si Eddie Laure, 3:13 ang nalalabing oras sa laro.
Si Hugnatan ay may kabuuang 19-puntos, 10. 3 rebounds matapos magtala ng 13 puntos at 12 rebounds sa Game One at 18-puntos at 8-rebounds sa Game Two.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am