Ang ICTSI Archers at Teeth Sparklers ay parehong may tigatlong panalo sa kasalukuyang semifinal round at ang mananalo sa alas-5:00 ng hapong engkuwentro ay makakalapit sa play-off ticket na biyaya ng five-of-eight incentive rule.
Base sa 5-of-8 incentive rule, bukod sa top two 5 teams, ang koponang may limang panalo pagkatapos ng semifinal round ay may karapatang humarap sa no. 2 team para sa huling finals berth.
Sisikapin din ng Blu Sun Power na manatili sa kontensiyon para sa naturang insentibo sa kanilang pakikipagharap sa sister-team na Shark Energy Drinks sa ala-3:00 ng hapon.
Ang Detergent Kings na nanalo ng dalawa sa kanilang huling apat na semifinal assignments ay nangangailangang manalo ng tatlo sa kanilang huling apat na asignatura para makakuha ng play-off ticket.
Galing ang La Salle sa 78-73 panalo kontra sa karibal na Ateneo-Hapee na humataw ng husto upang manatili sa pamumuno.
"I will be a hypocrite if I say were not going for the first finals berth. I told the boys the struggle is not yet over and I expect it to be a lot tougher in this second semifinal round," paliwanag ni La Salle coach Franz Pumaren.