^

PSN Palaro

La Salle magpapakatatag sa liderato

-
Sisikapin ng ICTSI-La Salle na mapanatili sa kanilang kamay ang liderato sa kanilang pakikipagharap sa Kutitap Toothpaste ngayon sa semifinals ng 2002 PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Ang ICTSI Archers at Teeth Sparklers ay parehong may tigatlong panalo sa kasalukuyang semifinal round at ang mananalo sa alas-5:00 ng hapong engkuwentro ay makakalapit sa play-off ticket na biyaya ng five-of-eight incentive rule.

Base sa 5-of-8 incentive rule, bukod sa top two 5 teams, ang koponang may limang panalo pagkatapos ng semifinal round ay may karapatang humarap sa no. 2 team para sa huling finals berth.

Sisikapin din ng Blu Sun Power na manatili sa kontensiyon para sa naturang insentibo sa kanilang pakikipagharap sa sister-team na Shark Energy Drinks sa ala-3:00 ng hapon.

Ang Detergent Kings na nanalo ng dalawa sa kanilang huling apat na semifinal assignments ay nangangailangang manalo ng tatlo sa kanilang huling apat na asignatura para makakuha ng play-off ticket.

Galing ang La Salle sa 78-73 panalo kontra sa karibal na Ateneo-Hapee na humataw ng husto upang manatili sa pamumuno.

"I will be a hypocrite if I say we’re not going for the first finals berth. I told the boys the struggle is not yet over and I expect it to be a lot tougher in this second semifinal round," paliwanag ni La Salle coach Franz Pumaren.

ANG DETERGENT KINGS

ATENEO-HAPEE

BLU SUN POWER

FRANZ PUMAREN

KANILANG

KUTITAP TOOTHPASTE

LA SALLE

MAKATI COLISEUM

SISIKAPIN

TEETH SPARKLERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with