^

PSN Palaro

Lerio, Payla nasa finals na

-
ATHENS, Greece - Humatak ng impresibong panalo sina Arlan Lerio at Violito Payla na nagpalakas sa bilang ng Team Philippines finalists sa tatlo sa 2002 Acropolis Cup International Amateur Boxing Championships sa Platon Stadium dito.

Masyadong malakas si Lerio para kay Athit Thiangtrong ng Finland nang umiskor ito ng 24-8 tagumpay habang pinadapa naman ni Payla si Liam Cunningham ng Ireland, 23-16 sa semifinals sa bantamweight at flyweight, ayon sa pagkakasunod.

Dahil dito, makakasama nina Lerio at Payla si Harry Tanamor para sa kanilang paghuhukay ng gintong medalya.

Ang tagumpay ay magbibigay din sa bansa ng pinakamagandang performance sa taunang pa-boksing na ito.

Hindi nasunod ang three-out-of-three na puntirya ng Team Philippines nang mabigo si Genebert Basadre sa kalabang si Bobirnat Ovidio ng Cyprus sa pamamagitan ng RSC sa third round.

Sa finals, makakaharap ni Lerio ang Greek slugger at paboritong si Artour Mikaelian na namayani naman kay Bedak Zsolt ng Hungary, 23-12.

Makikipagpalitan naman ng kamao si Payla kay Sebastien Gauthier ng Canada na nanaig kay Gagik Martirosyan ng Armenia, 24-14.

Una nang naitakda ang laban ni Tanamor kay Salim Salimov ng Bulgaria bilang dalawang magkalaban sa lightflyweight category.

ACROPOLIS CUP INTERNATIONAL AMATEUR BOXING CHAMPIONSHIPS

ARLAN LERIO

ARTOUR MIKAELIAN

ATHIT THIANGTRONG

BEDAK ZSOLT

BOBIRNAT OVIDIO

GAGIK MARTIROSYAN

GENEBERT BASADRE

LERIO

PAYLA

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with