Una, ipinaliwanag ni Jaworski ang kinalabasan ng pagbibigay ng cash incentives sa mga atletang nagwagi ng medalya sa Olympics at Asian Games. Ayon kay Jaworski, kung may mga atleta man na nagtampo dahil sa tingin nilay nalimutan sila, huwag daw silang mag-alala, dahil nakahanda siyang baguhin ang batas na siya rin ang nag-isponsor para mas marami ang makikinabang.
Nang tanungin siya tungkol sa paglaganap ng mga Fil-Am sa Pilipinas, sabi ni Jaworski, "Kung papayagan natin ang mga Fil-Am, hanggang saan? Noon naman, kahit mga Amerikano, kaya nating tapatan. Hindi naman sa kontra ako sa Fil-Am, pero siguraduhin nating tunay silang may dugong Pilipino, dahil napakarami ng ating mga kababayan ang nagtiyaga na maglaro sa eskuwelahan, pagkatapos ay hindi mapagbibigyang makapaglaro."
Bukod pa riyan, dagdag ng dating PBA, MVP na mas nakakahiya kung manalo tayo ng medalya sa international competition, tapos babawiin lang ang medalya pag natagpuang peke ang ilan sa mga manlalaro.
"Anong gusto ninyo, manalo tayo tapos sabihin ng mga Intsik o mga Hapon na imbestigahan tayo, tapos malamang hindi Pilipino yung player at sunduin dito yung medalya."
Ayon pa kay Jaworski, kailangan munang suriin ng pamahalaan kung ano ang sistemang gusto nitong pairalin sa sports, at hindi pa huli upang ibalik sa Department of Education ang responsibilidad ng programang pampaligsahan sa ating bansa.
Subalit nagbabala ang mambabatas na mahihirapang baguhin ang sistema, dahil hindi siya namumulitikat maraming ayaw napapahiya tuwing may isinususog siyang batas.