Isang accidental head-butt na nagresulta ng pagkakasugat ng ulo ni Gamboa na mayroong 31-7-2, 22 knockouts ang naging mitsa ng pa-nalo ni Rubillar na napaganda ang kanyang ring record sa 26-8, 8KOs kung saan siya ay mapapasabak para sa WBC junior fly title ngayong taon.
Gamit ang isang malakas na right punch, umiskor si Rubillar ng natatanging knockout sa third round, subalit ito ay aksidenteng tumama sa ulo ni Gamboa at napaluhod ito na naging daan upang tapusin na ng referee na si Bruce McTavish ang laban ng dalawa.
"A right punch landed first before a clash of heads happened almost simultaneously, so I ruled it as knocked down," pahayag ni McTavish, isa sa top 100 referees sa daigdig ngayon.
Bagamat may tapal na bandage, pinilit pa rin ni Gamboa na lumaban kahit duguan, pero siya ay binilangan ni McTavish ng mandatory eight count at matapos na umakyat sa ibabaw ng ring ang doktor upang suriin ang kanyang sugat, inabisuhan ni Dr. Naseer Cruz si McTavish na itigil na ang laban may 2:29 ang nalalabi sa third round.
Sa iba pang laban, nakuha naman ni Archiel Villamor ang interim Pan Asian Boxing Association (PABA) flyweight title via unanimous decision kontra Jerry Pahayahay sa kanilang 12-round bout.
Ang mga judges ay umiskor ng 116-113, 115-113, 116-113 pabor kay Villamor.
Sa undercard, kapwa pina-tigil nina WBC International champions flyweight Randy Destroyer Mangubat at minimumweight Ernesto Hard Rock Rubillar ang kani-kani-lang mga kalaban.
Tinalo ni Mangubat si Ramie Laput sa pamamagitan ng technical knockout sa first round, habang pinabagsak rin ni Ernesto si Flash Villacura sa 1:16 ng first round.