Human Nature
June 1, 2002 | 12:00am
TANGGAP naman ng maayos ni Alaska Aces coach Tim Cone ang pagkatalo ng kanyang koponan sa Purefoods Tender Juicy Hotdogs sa nagdaang best-of-seven Finals ng Sam-sung PBA Governors Cup.
Katunayan, pagkatapos ng Game Seven kung saan dinaig ng Hotdogs ang Aces, 91-76 ay pumasok pa rin sa press room si Cone upang sabihin na deserving ang Purefoods na magwagi dahil sa nagawa ni coach Paul Ryan Gregorio ang mga adjustments at hindi naka-react ang Alaska nang madali.
Ayon kay Cone, bagamat beterano siya kumpara kay Gregorio, mas beterano ang kabuuan ng Purefoods team kumpara sa kabuuan ng Alaska Aces squad. Doon nagkatalo!
Pero maganda na rin daw para sa Alaska Aces ang karanasang nakarating sila sa Finals. Kasi ngay maraming batang manlalaro ang Aces na kailangan pa ng experience. Ngayon ay natikman na nila kung paanong maglaro sa Finals at tiyak na magi-improve sila sa mga susunod pang torneo.
Siyempre pa, tinanong ng mga sportswriters si Cone kung ano ang masasabi niya hinggil sa officiating. Kasi ngay sa kabuuan ng seryey mas malamang sa mag-init ang ulo ni Cone kaysa kay Gregorio na cool na cool lamang. Si Cone ang palaging nagrereklamo sa referees samantalang si Gregorio ay tahimik lang. Hindi nga bat na-thrown out pa si Cone sa Game Five dahil natawagan siya ng dalawang magkasunod na technical fouls?
Ani Cone ay hindi naman masama ang officiating. Honest mistakes lang daw talaga ang nangyayari at hindi sinasadya.
Kaya lang daw nag-iinit ang kanyang ulo ay kapag sa tingin niya ay mali ang tawag o kayay dapat na may itinawag subalit walang itinawag sa puntong naghahabol ang Aces. Kumbagay nanggigigil ang isang coach dahil sa humahabol na sila pero biglang matitigilan dahil sa mga tawag na ganoon.
"Its a matter of timing. When youre trailing and theres a call that you perceive is wrong, you get frustrated," ani Cone.
Pero kapag nakakalamang ang kanyang koponan ng malaki at may masamang tawag o kayay hindi naitawag ang referees, pinalalampas na lang niya. Gaya ng nangyari sa Game Six kung saan tinambakan ng Alaska ang Purefoods at nagwagi ang Aces upang maitabla ang serye, 3-all at magkaroon ng sudden-death Game Seven.
Ayon kay Cone ay may ilang masamang tawag sa Game Six subalit hindi na lang niya pinansin ito dahil nga lamang naman ang Aces.
Kumbagay kaya lang naman nagrereklamo si Cone ay kapag naghahabol ang kanyang team at hindi siya nagrereklamo kapag nakalalamang sila.
Human nature daw iyon. Natural na ang ganoong klase ng reaksyon sa mga coach.
At kung ang coaches ay tao, ang referees ay tao din.
Aminado si Cone na dahil tao ang mga referees, nagkakamali din sila.
Hindi nila sinasadyang magkamali!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended