Tatapak sa kauna-unahang pagkakataon sa Manila para kumam-panya sa powerhouse international squad ang nakaraang taong Admiral World Pool champion na si Mika Immonen na tinaguriang Fantastic Finn na nagsimula ng kanyang taon sa pamamagitan ng pagwawagi sa Derby City Classic at ang sensational young American Corey Duel na nanalo ng anim na major tournament noong nakaraang taon na kinabibilangan ng US Open, ESPN Sudden Death 7-Ball tournament, All Japan Championship Open, Billiards Congress of America Open 9-Ball Championship, Greater Columbus Open at ng Reno Open.
Sinabi ni Duel na tumalo kay Efren Bata Reyes sa kanyang unang sabak sa International Billiards Congress tour sa Nanki Japan, kamakailan na tinanggihan niya ang ilang major tournaments sa Amerika para lamang magkaroon ng pagkakataon na makalaro sa Manila at makita ang bansa at ang mga panatiko ng pool.
Excited naman si Immonen sa kanyang nakatakdang paglalaro sa ha-rap ng Filipino fans.
Kasama ng dalawa sa koponan sina five-time World Champion Earl The Pearl Strickland at ang Japanese ace Kunihiro Takahashi para sa Rest of the World squad na mapapasabak sa head-to-head match kontra Philippines Best na babanderahan ng tinaguriang The Magician na si Reyes kasama sina Francisco Django Bustamante, nakaraang taong All Japan Open champion Antonio Nikoy Lining at ang sumisikat na si Dennis Orcullo.