^

PSN Palaro

Pinoy fencer pang-8th sa world

-
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakasungkit ang Filipino ng world ranking sa larangan ng fencing.

Ito’y makaraan ang National champion na si Avelino Victorino ay tumapos na kabilang ng mga top epee fencers sa daigdig sa ikawalong puwesto sa overall sa katatapos pa lamang na 2002 Taiwan Men’s Epee Grand Prix na ginanap sa Taipei.

Niyanig ni Victorino ang top seeded American Eric Hanse, 15-14 bago hiniya ang Singaporean Nicholas Fang, 15-10 upang mag-qualify sa fourth round na magtatampok sa top 16 fencers.

Ipinagpatuloy ni Victorino ang kanyang pananalasa para sa kampanyang makapag-uwi ng karangalan sa bansa nang kanyang talunin si Japanese Oku Yu, 15-12 upang umusad sa final eight kung saan siya ay nabigo sa iskor na 5-15 sa mga kamay ng German seven-footer Daniel Strigel na nagsubi naman ng silver sa likod ng kababayang si Christopher Kneip.

Ang 21-anyos na si Victorino ay produkto ng Philippine Amateur Fencing Association’s outreach program, na na-recruit mula sa Pasig public school. Siya ay unang nag-trained at hinasa na gamit ang hand-me-down fencing equipment at umaasa lamang sa P25 arawang allowance mula sa PAFA.

AMERICAN ERIC HANSE

AVELINO VICTORINO

CHRISTOPHER KNEIP

DANIEL STRIGEL

EPEE GRAND PRIX

JAPANESE OKU YU

PHILIPPINE AMATEUR FENCING ASSOCIATION

SINGAPOREAN NICHOLAS FANG

TAIWAN MEN

VICTORINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with