Paragua lumapit sa titulo
May 30, 2002 | 12:00am
Ginapi ni International Master Mark Paragua ang defending champion John Paul Gomez noong Martes upang makalapit ng dalawang panalo para makopo ang premier Under-20 title ng Philippine Youth Age-Group Chess Championships sa 2/F Centermall.
Naglaro na hawak ang mga itim na piyesa, magaang na isinulong ni Paragua ang kanyang Kings Indian Defense kontra Gomez upang itala ang kanyang panalo sa 31 sulungan upang pagandahin ang kanyang nalikom na puntos sa 6.5 makaraan ang pitong rounds.
Haharapin ng 18-anyos na grandmasters-candidate na si Paragua si Abraham Bayron sa eight round, isa sa nalalabing tinik sa landas para sa kanyang kauna-unahang national junior title.
Pinisak ni FIDE Master Sander Severino si Gabriel Parril upang makalapit kay Paragua sa isang puntos na lamang patungong huling dalawang rounds.
Sina Gomez at Bayron ay nagtabla para sa ikatlong puwesto.
Nagtala rin sina NM Roderick Nava ng 6.5 puntos para pamunuan ang Under 18 division, habang bumandera naman si Jerommel Gabriel sa 16-under class sa kanyang natipong anim na puntos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended