2 eksplosibong bakbakan sa Elorde
May 26, 2002 | 12:00am
Dalawa pang umaatikabong eksplosibong championship fights ang ihahandog ng Elorde international Productions sa pamamahala ni boxing promoter Gabriel Bebot Elorde Jr., sa darating na Mayo 31, simula sa alas-7 ng gabi sa Grand Flash Ballroom ng Elorde Sports Center.
Bukod sa tunggaliang Juanito Rubillar-Joma Gamboa para sa WBC International lightflyweight championship, mag-aagawan din sa korona sina Archie Villamor at Jerry Pahayhay para sa isa pang championship fight--ang Pan Asian Boxing Association flyweight tilt.
Upang mabuo ang malaking boxing card na pinamagatang Rubillar-Gamboa: Matira Matibay, magpapamalas din ng tikas at lakas ang dalawang World Boxing Council International champions--sina flyweight king Randy Mangubat na haharap sa No. 1 flyweight Ramie Laput, habang sasagupain naman ni minimumweight champ Ernesto Rubillar si Flash Villacura na kasalukuyang RP No. 10 minimumweight.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended