^

PSN Palaro

National riders paghihiwalayin

-
Isa sa mga pangunahing pagbabago sa annual cycling Tour ang ma-gaganap ngayon sa gaganaping dispersal draft ng National Team para sa FedEx Tour sa Professional Cycling Association of the Philippines (PCAP) sa Amoranto Stadium.

Inaasahang magiging no. 1 pick ang top ranked na si Warren Davadillla na posibleng kunin ng Mindanao bilang top ranked player ng Philippine Amateur Cycling Association (PACA).

Hindi makakasama si Victor Espiritu sa apat na araw na Tour de Calabarzon na lalarga sa Mayo 30 dahil kailangan nilang kumple-tuhin ang 45-days Basic Military Training sa army.

Hindi rin makikibahagi sa karerang ito na lalarga sa Mayo 30 ang National rider na si Enrique Domingo, dahil makakasama niya si Espiritu sa 45-days Basic Military training sa army.

Bukod kay Davadilla na siyang huling nagkampeon sa dating Marlboro Tour noong 1998 na nilahukan ng mga dayuhan, ay naririyan din si Arnel Quirimit na inaasahang magiging no. 2 pick.

Si Quirimit ay ang Rookie of the Year noong 1996 Tour at inaasahang magiging contender ito sa Calabarzon race na suportado ng Accel Apparel, Gatorade at Rainforest Mineral Water.

Ang iba pang miyembro na dating hiwalay na koponan ng Tour ay sina Merculio Ramos Jr., Santy Barnachea, Emilito Artilano, Paterno Curtan, Lloyd Reynante, Paulo Mañapul, Alfie Catalan at Rolando Gorantes..

Sina Davadilla, Querimit, Ramos, Barnachea at Artilano ay ang mga top riders ng bansa at beterano sa prestihiyosong Tour de Langkawi sa Malaysia.

Malaking karagdagan sina Reynante, anak ng Tour legend na si Maui Reynante, Curtan, Mañapul, Catalan at Gorantes na pawang mga long distance riders, sa mga koponang pipili sa kanila lalo na sa team time trial stage.

Magsisimula ang drafting sa alas-2:00 ng hapon kung saan magkakaroon muna ang PCAP ng general assembly.

ACCEL APPAREL

ALFIE CATALAN

AMORANTO STADIUM

ARNEL QUIRIMIT

BASIC MILITARY

BASIC MILITARY TRAINING

CALABARZON

EMILITO ARTILANO

ENRIQUE DOMINGO

TOUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with