Sino ang pagpapalain?
May 25, 2002 | 12:00am
ENERGY! Iyan, ayon kay Alaska Aces coach Tim Cone, ang siyang magdedetermina kung sino ang magwawagi bukas sa Game Seven ng Samsung-PBA Governors Cup Finals sa pagitan ng Aces at ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs.
Kasi ngay bihira ang isang best-of-seven series na umaabot ng dulo. Kadalasan ay lima o anim na laro lang ang inaabot ng ganitong klaseng serye.
Subalit ayon kay Cone, tuwing magsisimula ang isang best-of-seven Finals, nararapat lang na paghandaan ng isang coach o ng isang team ang posibilidad na umabot ito ng Game Seven.
Hindi puwedeng game-by-game basis lang ang paghahanda. Kasi nga, kung aabot ng Game Seven at hindi preparado ang isang koponan sa mahabang serye, malamang na maubusan na ito ng lakas at pumugak na gaya ng isang makinang may katok.
At tila kinatok o kinabog nga ang Purefoods sa Game Six noong Huwebes. Puwede na kasing tapusin ng Hotdogs ang serye subalit natalo pa sila, 85-78. At sa larong iyon ay kulang ang energy na ipinakita ng mga bata ni interim head coach Paul Ryan Gregorio.
May eksplanasyon si Cone sa nangyari. Ani Cone, kahit paanoy naubos ang lakas ng Purefoods sa mga panalo nito sa Games Three, Four at Five kung saan ang taas ng intensity level ng Hotdogs. Sa tatlong larong nabanggit, hindi nga masabayan ng Alaska ang ener-gy level ng Purefoods kung kayat natalo ang Aces.
Sa tutoo lang, mahirap na magwagi nang apat na sunod na beses sa isang Finals series. Kumbagay parang four-game sweep iyon, eh.
Sa mga nakalipas ng best-of-seven Finals na nilaro ng multi-titled San Miguel Beer ay nagawa ng Beermen na makaunat magwagi sa Games One, Two at Three. Pero hindi magawa ng Beermen, kahit na gaano pa sila kalakas, na mawalis ang kalaban. Palaging nakukuha ng kanilang kalaban ang Game Four at tinatapos na lang ng Beermen ang serye sa Game Five.
Ganito rin ang nangyari sa Hotdogs.
Bukod sa mababa ang energy level ng Hotdogs sa Game Six, maaaring nagkumpiyansa rin sila dahil sa naisip nilang kayang-kaya nila ang kalabang tinalo na nila nang tatlong dikit!
Inamin naman ni Gregorio na nagkamali sila sa pagpapalagay ng ganito. "We sort of expected Alaska Aces to simply roll over and die. They did not. Thats our mistake," ani Gregorio.
Puwes, ngayon ay magkakaroon ng sudden-death match ang Alaska at Purefoods. Mabuti na lamang at may dalawang araw na pahinga ang mga koponang ito. Nakatitiyak sina Cone at Gregorio na magkakaroon ng energy ang kani-kanilang manlalaro.
At kung parehas na may energy ang dalawang teams na ito bukas, sa strategy na lamang magkakatalo!
May the best team win.
BINABATI Natin ng maligayang kaarawan si Ne-In Villalobos na magdiriwang ngayon, Mayo 25. Ganoon din kina sportswriter Arman Armero at Coca-Cola center Edward "Poch" Juinio.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended