Makakasama ni Reyes sa head-to-head battle sa fourman squad ni Immonen sina 2001 US Open champion Corey Duel, five-time US champion Earl Strickland at Japanese ace Kumihiro Takahashi sina 2001 World Pool Masters champion Francisco Django Bustamante, All Japan champion Antonio Lining at ang rising young star Dennis Orcullo.
Ang bawat Filipino players ay makikipaglaban sa mga international superstars sa elimination round race-to-seven matches at ang top four players ang magkikitakita naman sa crossover semifinals na ang mananalo ang siyang mapapasabak para sa top individual prize na $15,000.
Aabot sa kabuuang $40,000 ang nakataya sa anim na araw na tournament na prisinta ng Motolite.
Ang klasikong showdown ay magbibigay ng pagkakataon sa mga milyong Filipino pool fans na mapanood ang mga bata at bagong sensation sa pool gaya ng 29-anyos na si Immonen at Duel, na ang kanilang mahusay na tira ang siyang naging dahilan ng pagwalis sa kani-kanilang kalaban, gayundin ang sumpungin na cue wizard na si Strickland na determinadong maipaghiganti ang kanyang naging kabiguan kay Reyes sa nakaraang taong Color of Money Part II.